0
Adsense1
Matapos ang kaniyang pagbida sa ikalawang Pinoy remake ng hit Mexican TV series na “Marimar” noong nakaraang taon, nakatakdang magbalik sa GMA Primetime ang Kapuso host-actress at 2013 Miss World na si Megan Young.
Ayon kay Megan sa ginanap na story conference nitong Lunes, “It's great to be back on television after 'Marimar.' Medyo matagal-tagal din akong nag-break, which is good kasi I got to focus on doing movies, my business. Happy ako na there was time allotted for me to do other things.”
“Excited na akong mag-taping nang three times a week ulit!” dagdag pa niya.
Kasalukuyang napapanod si Megan sa sitcom na “Conan, My Beautician,” na ipinalalabas tuwing Linggo kung saan kasama niya sina Mark Herras, Jerald Napoles, Cacai Bautista, Lotlot de Leon, Vangie Labalan, at marami pang iba.
Sa bagong proyekto niya, kabilang sa mga makakasama ni Megan ang ilan sa mga pinakamagagaling na artista sa industriya, kabilang na ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at Cannes Film Festival 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose.
Aniya, “Unang-una, noong sinabi sa amin na may teleserye kaming gagawin with Dingdong, I was very thankful kasi, siyempre, they entrusted me with another project, and alongside such big names in the industry.”
“Aside from Dingdong, we have other great character actors that we'll be working with. I was very thankful that they kept me in mind for such a great project,” dagdag pa ng Filipina beauty queen.
Makaka-relate raw ang aktres sa karakter na bibigyang-buhay niya dahil mayroon rin itong mga adbokasiyang ginagawa para sa mga nangangailangan.
Paliwanag ni Megan, “Nakakatuwa kasi parang Miss World siya sa teleserye, so may advocacies rin yung character ko rito. She's working towards helping other people more than herself. Nakakatuwa kasi marami akong mapaghuhugutang experiences.”
Abangan ang iba pang mga detalye tungkol sa pinakabagong teleseryeng matutunghayan gabi-gabi sa GMA Primetime!

Adsense

Post a Comment

 
Top