0
Adsense1
Abala ngayon ang Premier Actress at Kapuso star na si Lovi Poe sa paghahanda para sa pagbibidahan niyang GMA Primetime series na “Someone To Watch Over Me,” pati na sa mga pelikulang “The Escort” at “Lakambini.”
Ayon kay Lovi, masaya siyang patuloy na nabibigyan ng pagkakataong mabigyang-buhay ang mga kakaibang karakter.
Tatalakayin sa “Someone To Watch Over Me” ang Early Onset Alzheimer's Disease, sa “Lakambini” ang buhay ni Gregoria de Jesus, at sa “The Escort” naman ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng isang escort.
Maituturing na challenging roles ang lahat ng ginagampanan ng aktres, kaya naman malaking palaisipan sa lahat kung saans iya humuhugot ng emosyon sa mga madrama at challenging na eksena.
Aniya, isa raw sa kaniyang inspirasyon ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa kaniyang buhay, kabilang na ang pagkamatay ng kaniyang ama at King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
“Kung hindi nangyari 'yun sa buhay ko, hindi ako makakaarte sa harap ng ibang tao ngayon. Ang importante sa akin is even my sadness or terrible things that happen to me, actually works well for me. I wouldn't be able to work on my art kung hindi ako nahirapan sa buhay ko,” paliwanag ni Lovi.
Ayon pa sa Premier Actress, “Noon, I would always ask myself why it has to happen to me. Nawala si Papa noong bata pa lang ako. Now, I think I know the reason why. Na-realize ko na hindi ako makakaarte o makakapagpatulo ng luha kung hindi 'yun nangyari sa akin.”
Nagsilbing inspirasyon rin para kay Lovi ang kaniyang ina at dating beauty queen na si Rowena Moran.
“At saka, hindi lang naman si Papa. Marami pa akong ibang experiences. Like my mom, who's a single mother. I watched her raise me on her own. Marami pang nangyari. I need pain and happiness for my art,” aniya.
Ready for action, romantic comedy
Ngayong halos sampung taon na siya sa industriya, handa na raw si Lovi na sumabak sa mga bago at mas challenging na roles.
Gayunpaman, hindi raw priority para sa kaniya ang manalo ng anoman award o kilalanin sa iba't ibang film festivals.
Aniya, “Ako, ang ugali ko, I set short-term goals and I make sure na I do my best in every project. I don't want to go home unhappy. I want to go home na napasaya ko ang director ko. It's as simple as that. I just want to make them happy.”
“Ayokong biguin 'yung mga taong nagtitiwala sa akin. My number one rule is to make my bosses happy all the time... (When) my bosses and I are happy and fulfilled, I think the rest will follow. I never want to put myself into any pressure. Kung masaya ako, I believe the rest will follow,” dagdag pa niya.
Matapos ang ilang taon sa drama, kabilang raw sa dream projects ni Lovi ngayon ang isang action o romantic-comedy na teleserye o pelikula.
Ayon sa Kapuso actress, “I always want to push myself to the limit. I'm hoping na in the future, mabigyan ako ng ibang klaseng proyekto.”
“Kung puwede nila akong bigyan ng action or romantic-comedy. I really like action. Boyish kasi ako talaga. I used to do gymnastics, I box, I do a little bit of martial arts... I'm looking forward to doing something new in the future,” pagtatapos niya. 

Adsense

Post a Comment

 
Top